
Sa review namin after we tried the Smart Communications TalkPlus Promo, ito lang masasabi ko, palpak ang promo ng Smart.
Maraming reklamo ang ibinato sa Smart Communications customer service pero di man lang nila na bigyan ng solusyon. Kabilang dito ang mga sumusunod;
1. Ang hirap makapag connect. Da dial ka ng code *6401 + 11 digits pero ang tagal bago makapasok. Aabot ng 15 dials ang gagawin mo, 14 ang pakpak, 1 lang ang chance na maka pasok at maka connect pero minsan palpak pa rin kasi di maririnig ang kausap.
2. Ang Smart TalkPlus ay unlimited from 10:01 PM to 4:59 PM Titigil ang service nila mula 5:00PM hanggang 10:00PM pero minsan din a babalik ang service hanggang sa susunod na araw. Di lang ako ang nakakaranas ng ganitong problem kasi madami sa mga users nag complain na sa Smart Communications customer service pero di nila kayang bigyang solusyon ang problema. Nangangako lamang sila pero di pa rin nag babago, ganun at ganun pa rin ang nangyayari.
3. Hindi malinaw ang signal. ang kausap mo ay parang robot, putol-putol at di maaasahan sa ganitong sestema.
This Smart Communications TalkPlus promo ay isang kahihiyan at patunay lamang na di kaya ng Smart ang mga promo na pinagmamayabang nila. Dapat e check muna nila ang kanilang capability bago gumawa ng ganitong hakbang, ity nakakasira lamang sa kanilang reputation.
0 comments:
Post a Comment