Thursday, June 4, 2009

TM Touch Mobile from GLOBE Telecom Magnananakaw ng Credits (load) bago ang Expiration Period



TM Touch Mobile from GLOBE Telecom Magnananakaw ng Credits (load) bago ang Expiration Period

Napakasama naman talaga nito kung ikaw ay may credits pa sa iyong account at biglang nakawin ng network tulad ng naranasan ko ngayon. Meron pa akong credits (load) sa TM Natin Touch Mobile SIM card from Globe Telecom kung saan ay iniquire ako kahapon na mag expire daw ang Credit ko sa May 12, 2009 pa. At dahil May 10, 2009 pa lang ngayon meron pa akong panahon para maka pag reload sa lunes kasi busy ako pag Sunday sa bahay.

Pinag tataka ko, nung mag send ako ng message ko kaninang hapon lang 2:30 PM May 10, 2009 na ang aking message nag sending failed kaya nag inquire ulit ako, ayan nag expire na daw? Eh kahapon inquiry ko sa May 12 pa daw expiry eh, bakit may early expiration ang TM? Ano ba talaga ang nangyayari sa iyong system Touch Mobile? Kahapon meron pa akong 96 credits at 104 free text to expire May 12, 2009 pero ngayon ninanakaw nyo load ko bago pa ang expiration date na May 12, 2009. I remind you May 11, pa lang ngayon.. 1 day before the expiration period nanakawin nyo na?

Pinaka unang beses ko tong sumigaw dito para malaman ng buong bayan at lahat ng Pilipino sa buong mundo na magnannakaw kayo ng load. Naranasan ko na rin ilang beses na na ninanakaw nyo load ko. Natatandaan ko pa na nag load ako ng 300 or minsan 500 credits then kinabukasan di ko naman ginagamit 260 nalang natira? Eh paano mawala yun? May hidden tax ba para sa reloading ko?Di nalang ako umimik kasi wala pa naman akong mapag sumbungan noon, pero ngayon, may Techno Buzz.. mahiya naman sana kayo.

Tandaan nyo to TM, malalaman ng buong mundo ang pagnanakaw nyo ng load.

Makisig Bayani

Author & Editor

Hi! I am a techsavvy and it is my hobby to try all the products available in the market! It is fun! So before I will publish my review, I would make sure that I have tried them. If I said it is good then it is good based on my assessment but when I say it is a bad product then it is bad based on my experienced.

0 comments:

Post a Comment

Investment Recommendation: Bitcoin Investments



Where to buy Bitcoins?

For Philippine customers: You could buy Bitcoin Online at Coins.ph
For outside the Philippines customers  may buy Bitcoins online at Coinbase.com